RESCUE CAUAYAN, NAKAPAGTALA NG APAT NA VEHICULAR ACCIDENT

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng apat na kaso ng vehicular accident ang Cauayan city Rescue 922 na kanilang nirespondehan sa buong Siyudad ng Cauayan.

Sa inisyal na datos ng Rescue 922, banggaan ng isang motorsiklo at SUV sa kahabaan ng Brgy. Tagaran ang pinakahuling nirespondehan ng mga rescuer na kung saan ay naging maayos naman ang kalagayan ng dalawang driver.

Ang tatlong insidente ay naitala sa magkakaibang barangay tulad ng Baculod, Nungnungan at Rizal.

Pawang mga self-accident at nawalan umano ng kontrol sa kanilang manibela ang dahilan ng kanilang pagkaka aksidente.

Bukod sa apat na naitalang aksidente sa lansangan ay wala namang mabigat na naiulat ang tanggapan ng Rescue 922.

Facebook Comments