COVID-19 Active Cases sa Isabela, Patuloy ang Pagbaba

Cauayan City, Isabela- Pababa na nang pababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, November 19, 2021, mayroon na lamang 689 na COVID-19 active cases ang probinsya kabilang na rito ang naitalang 63 na panibagong positibong kaso.

Mayroon namang 133 na pasyenteng naitalang bagong gumaling at tatlo (3) na nasawi.


Tumaas naman sa 57,911 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober habang umabot naman sa 2,017 ang naitalang total COVID-19 related deaths.

Sa ngayon, umaabot na sa 60,617 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Isabela.

Facebook Comments