Mahigit 1,000, bagong gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,393 ng mga gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,753,312 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 1,485 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,823,210 ang kumpirmadong kaso ng nakahahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 0.8% o 23,200 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

277 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 46,698 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments