Cauayan City, Isabela- Mahigit 6,000 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2.
Kahapon, Enero 16, 2022 ng maitala ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 559 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa sa report, walang naitala na gumaling at lima naman ang naitalang namatay.
Samantala, hinihimok pa rin ang publiko na sumunod sa pinaiiral na panuntunan laban sa COVID-19 at maiwasan ang banta ng Omicron variant.
Facebook Comments