Nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga ini-a-admit na COVID-19 patients sa mga ospital sa Metro Manila, Cagayan Valley at Central Visayas.
Ito ang inihayag ni Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega ngayong patuloy ang pag-akyat ng mga naiitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero ayon kay Vega, bagama’t nakaka-alarma na ay nananatili sa ilalim ng “moderate risk level” ang capacity ng mga pampubliko at pribadong ospital sa mga nabanggit na lugar.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 60 percent pa ng Intensive Care Unit beds sa bansa ang available at 77 percent naman para sa Mechanical Ventilators.
Matatandaang Agosto noong nakaraang taon nang bumalik sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at ilan pang lugar sa basna matapos humiling ang health workers ng “timeout”.