Home Service grooming para sa mga fur-babies, alok ng Fur Away Grooming and Supplies

Para sa mga fur-parents, huwag matakot na ipa-groom ang mga alagang aso at pusa lalo na’t karamihan ay siguradong nagkakaroon pa ng sugat dahil sa mga kalmot dahil sa mahahabang kuko.

Sa interview ng Business as Usual ng Usapang Trabaho dito sa Radyo Trabaho, sinabi ng Fur Away Grooming and Supplies owner na si ni Arnold Montealto na marami kasing pet owners ang natatakot na ihabilin sa grooming ang kanilang mga alaga.

Karamihan daw kasi ay itinuturing na parang mga anak ang mga alaga kung kaya’t idinaan muna nila sa pagpapakilala sa social media ng kanilang business.


Sa ngayon, home service ang alok ng fur away at malapit na raw muli nilang buksan ang kanilang pet shop na pansamantalang isinara dahil sa mga lockdown.

Facebook Comments