Nananatiling mataas sa 1 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region (NCR).
Ibig sabihin, aktibong kumakalat ang virus sa komunidad.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, ang reproduction rate sa NCR ay nasa 1.10 hanggang 1.17.
Mataas aniya ito kumpara sa transmission rate na naitala noong holiday season na nasa mababa sa 1.
Mababa ang trend ng COVID-19 cases noong Pasko at Bagong Taon dahil mababa ang testing capacity bunga ng mga nagsarang testing centers.
Nakikitaan din ng OCTA Research Group ang pagtaas ng COVID-19 caes sa Quezon City, Manila, Pasig City, Parañaque at Marikina.
Mayroon ding pagtaas ng daily cases sa Davao del Sur, Isabela, Quezon Province, Misamis Oriental, Pangasinan, Agusan del Sur, Negros Oriental, Cebu City, at Zamboanga del Sur.
Bagamat may ‘slight uptick’ ng COVID-19 trend, binigyang diin ni Ong na hindi pa ito ang ‘surge level.’