COVID-19 Alert Level System, ipapatupad na rin sa mga probinsya

Posibleng ipatupad na sa mga probinsya ang umiiral na COVID-19 Alert Level System sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, maliban sa Metro Manila ay nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang ibang lugar na isa sa magiging basehan para palawigin pa ang Alert Level System.

Ilan din sa partikular na pinagbabatayan ay ang; bilang ng mga kaso, Average Daily Attack Rate, Two-Week Growth Rate, at Healthcare Utilization Rate.


Sa ngayon, batay sa datos ng DOH ay patuloy na bumababa ang mga kaso sa NCR.

Facebook Comments