Nagbabala ang mga health at science experts sa publiko lalo na ang mga magpapa-test para sa presensya ng COVID-19 antibodies.
Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ng mga eksperto na ang mga COVID-19 test ay mayroong limitasyon at posibleng makaapekto lamang sa kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
May mga isinasagawang pag-aaral at iba pang hakbang ang pamahalaan at World Health Organization (WHO) para matugunan ang pandemya.
Kabilang na rito ang ₱115 million na pag-aaral na tinatawag na SECURE Philippines na layong magsagawa ng clinical at serologic COVID-19 surveillance sa mga adults na nakatanggap na ng full vaccination.
Ayon kay Project leader Dr. Regina Barba, ang three-phased project ay uumpisahan sa medical staffs, health workers at mga empleyado ng Philippine General Hospital (PGH).
Pagtutuunan naman sa susunod ang mga komunidad sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa bansa.
Paliwanag naman ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng Vaccines Experts Panel, ang test results ay depende lalo na at ang mga indibiduwal ay hindi magkakaparehas ang response levels sa COVID-19 vaccines.
Apela nila sa publiko na huwag magpapa-test kung hindi nila alam ang interpretasyon ng mga resulta nito.