Pangulong Duterte, mananalo kapag tumakbo siyang VP – Roque

99

Mananalo si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tumakbo siya bilang bise presidente sa 2022 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatiling mataas ang popularidad ni Pangulong Duterte sa bansa.


Paglilinaw lamang ni Roque na hindi pa nakakapagdesisyon ang Pangulo kung tatakbo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Nakiusap si Roque sa publiko na hintayin na lamang ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sa mga mga susunod na plano sa pulitika.

Tingin niya, posibleng magpasya si Pangulong duterte bago ang paghahain ng certificates of candidacy sa Oktubre.

Masyado ring maaga kung sino ang pambato ni Pangulong Duterte bilang susunod na lider ng bansa.



Facebook Comments