COVID-19 average cases sa Metro Manila, nakitaan ng pagbaba; Pero kaso ng virus sa probinsya, tumaas

Nakitaan ng pagbaba sa kaso ng COVID-19 ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi pa ng luzon.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, bunsod ito ng pagdami ng mga Pilipinog nabakunahan na kontra COVID-19 kung saan as of May 25 ay nasa 4,495,375 na ang nakatanggap ng bakuna.

Sa kabila nito, nakitaan naman ng pagtaas ng bilang ng kaso ang buong Visayas at Mindanao pero pagtitiyak ni Duque ay binabantayan na ito ng DOH.


Kaugnay nito, sinabi naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maituturing na hamon para sa gobyerno na himukin ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.

Kailangan kasi aniyang maipakita sa publiko ang masigasig na bakunahan sa buong bansa.

Sa ngayon, hinihintay na ng bansa ang pagdating ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca at Sinovac na inaasahang magaganap ngayong Hunyo.

Facebook Comments