Inihayag ng pamunuan ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC) Hospital na okupado na lahat ng kanilang COVID-19 beds.
Ayon kay Dr. Cesar Tutaan, ang administrator ng MCMC Hospital, ang kanilang 75 COVID-19 beds ay fully occupied na.
Ayon sa nasabing bilang, 32 nito ay kasalukuyang ginagamit na ng mga pasyenteng nag positibo sa ng COVID-19 na naka admit sa MCMC hospital.
Kung saan 21 na bilang ng mga ito ay bakunado na laban sa COVID-19 habang ang 11 sa kanilang bilang ay hindi mga bakunado.
Ang 43 beds naman aniya ay ginagamait naman ng mga pasyente na nakabilang sa probable or suspected cases na nagiintay ng kanilang sa COVID-19 test.
Nilinaw ni Dr. Tutaan na tumatangap naman sila ng non-COVID-19 patients ngunit ito ay para lamang sa mga buntis, manganganak na o may emergency cases lang na kailangan bigyan aksyon agad.
Ayon pa rito, sa kasalukuyang panahon ang MCMC hospital ay mayroong limang health workers na positibo sa COVID-19 na kasalukuyan naman naka-isolate.
Samantala, ang Mandaluyong City naman ay mayroong bagong bilang na aktibong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ito sa 897.