Political analyst, naniniwalang drama lamang ang pinapalabas ngayon ng mag-amang Pangulong Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte

Naniniwala ang isang political analyst na drama lamang ang pinalalabas ngayon ng mag-amang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Professor Ramon Casiple na posibleng noon pa alam ng PDP-Laban na patatakbuhin nila si Mayor Sara sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Paliwanag ni Casiple, kahit nagsasabi si Pangulong Duterte na ayaw niyang patakbuhin ang Anak niya sa pinakamataas na posisyon ay iba pa rin pag nag-usap sila nang pribado.


Matatandaang kahapon ay mismong si Mayor Sara ang nagkumpirma sa magiging tandem nina Senator Bong Go at Pangulong Duterte sa pagka-presidente at bise presidente.

Facebook Comments