COVID-19 booster shot, kailangan pa ng EUA ayon sa DOH

Binigyang-diin ngayon ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng mga vaccine manufacturer para sa booster shot.

Paliwanag ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Myrna Cabotaje, ang inaplayan lang ng mga vaccine manufacturer na EUA sa FDA ay para lang sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Aniya, kung magbibigay ng booster shot o ikatlong doses ay dapat muli silang mag-apply ng EUA para na rin matiyak ang kaligtasan ng publiko.


Sinabi ni Cabotaje na sakali mang magkaroon na ng EUA para sa third dose, ipa-prayoridad ng pamahalaan ay ang mga senior citizen, healthcare workers, at mga immunocompromised individuals.

Pag-aaralan din aniya ng pamahalaan ang epekto ng ibibigay ng booster shot ng parehas at magkaibang brand ng bakuna.

Facebook Comments