COVID-19 case fatality rate ng bansa, bumaba

Bumaba ang bilang ng naitatalang namamatay sa COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health.

 

Ito ay sa kabila ng nararanasang COVID-19 surge dahil sa mga Coronavirus variant.

 

Ayon sa DOH, sa nakalipas na siyam na buwan ay nasa 1.47% lamang ang case fatality rate (CFR) sa bansa, higit na mas mababa kumpara sa 2.47% noong nakaraang taon.


 

Anila, mula sa 17 rehiyon sa bansa, National Capital Region (NCR) ang may pinakamababang CFR kahit na ito ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso.

 

Habang bumaba rin ng halos dalawang beses ang fatality rate sa hanay ng mga senior citizen kumpara noong 2020.

 

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga dahilan ng pagbaba ng CFR ang pagbuti ng healthcare system ng Pilipinas kung saan agad na sumasailalim sa clinical assessment, referral at management ang mga indibidwal na tinatamaan ng nasabing sakit.

 

Nakatulong din aniya ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan kaya napoprotektahan ang publiko ang mula sa severe cases ng COVID-19 at hindi na humahantong pa sa hospitalization at pagkamatay.

Facebook Comments