COVID-19 cases kada araw, bumaba ng 56% ayon sa OCTA Research

Kinumpirma ng OCTA Research team na may pagbaba na ng may 56% o may 2,454 ang average na bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Reseach team, ito ay mas mababa kaysa sa nagdaang bulto ng kaso ng nagdaang mga araw.

Ang naiulat na pagbaba ay mula April 30 hanggang May 6.


Paliwanag ng OCTA Research, may patuloy na pagbaba sa bilang ng mga bagong kaso ng virus sa Metro Manila.

Dagdag pa ng naturang grupo, ang dagdag na bilang ng kaso kada araw sa Metro Manila ay kapareho lamang mula March 12 hanggang 18.

Giit ng OCTA Research team, ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay bumaba sa 0.70 habang ang reproduction number sa bansa ay 0.86.

Ang reproduction number ay bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na nahawa sa isang positibo sa virus.

Samantala, ang positivity rate o percentage ng indibidwal na napatunayang positibo sa virus ay may 16% mula sa average na 22,941 tests kada araw.

Ang hospital bed occupancy naman sa NCR para sa COVID-19 patients ay bumaba sa 52%.

Ang Metro Manila at karatig lalawigan na Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang May 14.

Facebook Comments