Posibleng pumalo sa 6,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw ayon sa OCTA Research Group.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA na kahit mababa ang testing capacity, maaari ding pumalo sa 5,000 ang bagong kaso sa Metro Manila.
Ito ay matapos na umakyat pa sa 34.7 percent ang positivity rate sa rehiyon mula sa 28.7 percent.
Tumaas din aniya ang hospital bed utilization rate sa Metro Manila ng 41 percent kung saan hanggang Disyembre 31 ay nasa 1,942 ang bilang ng COVID-19 patients sa mga ospital sa NCR.
Sa ngayon, nasa Alert Level 3 ang NCR na tatagal hanggang Enero 15 upang maiwasan ang pagkalat pa ng Covid-19.
Facebook Comments