‘Poblacion girl’ na si Gwyneth Chua at 9 pang indibidwal, sasampahan na ng kaso ng CIDG

10484

Sasampahan na ng criminal charges ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kontrobersiyal na ‘Poblacion girl’ na si Gwyneth Chua dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols.

Ayon sa CIDG, bukod kay Chua ay siyam pang indibidwal ang kakasuhan kabilang ang magulang nito at mga tauhan ng Berjaya Makati Hotel.

Sinabi ni CIDG Director Police Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro na lumabas sa imbestigasyon nila na mismong ang ama ni Chua ang sumundo sa kaniya sa hotel noong Disyembre 22 habang ang kaniyang ina ang naghatid noong Disyembre 25.


Sa kabila niyan, wala umanong nakitang sapat na ebidensiya para isama ang mga kaibigan ni Chua na nakasama nito sa dinner at party noong Disyembre 23.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa isang isolation facility rito sa Metro Manila si Chua.

Facebook Comments