COVID-19 cases ngayong araw, posibleng pumalo sa 1,200 – OCTA

Posibleng makapagtala ng 1,200 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, December 18.

Base ito sa projections ng independent monitoring group na OCTA Research.

Sa kanyang tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na maaaring maglaro sa 1,000 hanggang 1,200 ang maitatalang bagong kaso ngayong araw.


Sa ngayon, nasa 12.5% ang nationwide positivity rate o ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 tests.

Pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay naitala pa rin sa Metro Manila na nasa 5,945, sinundan ng Calabarzon, 2,498; Central Luzon, 1,222; Cagayan Valley, 716 at Western Visayas, 706.

Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,196 na bagong kaso ng COVID-19 habang bumaba sa 18,262 ang active cases.

Facebook Comments