KBP PANGASINAN MEMBERS, NAGTIPON-TIPON SA BROADCASTER NIGHT 2022

Nagtipon-tipon ang mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Pangasinan Chapter Members sa ginanap na Broadcasters Night 2022 Christmas Party and Induction program sa Mayor’s Pavilion, Bonuan Tondaligan, Dagupan City.
Sa aktibidad na ito, dinaluhan ito ng iba’t ibang istasyon ng radyo sa Pangasinan.
Panauhing pandangal at nagsilbing inducting Officer si Dagupan City Mayor Belen Fernandez.

Binigyang diin ng alkalde ang importansya ng tamang impormasyon na dapat makarating sa bawat mamamayan.
Nanumpa rin bilang mga bagong halal na opisyales ng KBP Pangasinan Chapter sina (mula sa kanan ng larawan) Chairman Miguel Jay Mendoza, Vice Chairman Mark Gemson Espinosa, Secretary Josie Sarmiento, Treasurer Romeo Umipig, at Standards Performance Officer Emmanuel Sibayan.
Nagkaroon naman ng mga introduction moment sa mga bagong on-air personalities ng iba’t ibang istasyon at ang pagkakaroon ng mga games at contests para sa mga kalahok.
Magpasalamat rin si KBP Pangasinan Chapter Chairman Miguel Jay Mendoza sa lahat at ibinalita ang mga accomplishments ng KBP Pangasinan Chapter sa pagtutulungan ng mga aktibong myembro nito. | ifmnews
Facebook Comments