COVID-19 cases sa bansa, 65,304 na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 65,304 ang COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 2,357 na panibagong kaso base sa isinumiteng report ng 76 out of 84 na COVID laboratories sa bansa.

41,464 naman ang active COVID cases sa ngayon.


Inanunsyo rin ng DOH ang panibagong 321 recoveries kaya sa ngayon ang total recoveries na ay 22,067.

113 naman ang panibagong binawian ng buhay at sa ngayon ay 1,773 na ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa bansa.

87 sa mga panibagong binawian ng buhay ay mula sa Region 7, 23 mula sa Metro Manila, isa sa Region 4A, isa rin sa Bicol Region at isa sa Region 6.

Ilan din sa mga binawian ng buhay ay nangyari noong nakalipas na buwan.

Facebook Comments