Pinay sa Edmonton, inalipusta at pinagbantaang papatayin ng Canadian national

Kuha mula sa video ni Patricia Anne Medrano

ALBERTA, CANADA – Inalipusta, sinaktan, at pinagbantaan na papaslangin. Ito ang kalunos-lunos na sinapit ng ating kababayan sa kamay ng isang Canadian national matapos siyang tumangging makipagkaibigan dito.

Sa video, makikitang nagwawala ang suspek na kinilalang si Rylee Dodd habang nasa labas ng apartment ng Pilipinang si Patricia Anne Medrano sa lungsod ng Edmonton

(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)


 

Kuwento ng biktima, nilapitan siya ng salarin dakong alas-9 ng gabi noong Hulyo 8 para kuhanin ang kaniyang cellphone number. Pero nang hindi ito ibigay ay doon na siya binastos-bastos ni Dodd.

Sabi ng 28-anyos na akusado sa dalaga, “Go back to your country!’, ‘This is Canada, not Wuhan. You spread the virus.’” 

“I’ll kill you. I’ll f****ing decapitate you.” Filipino little b****.” “Get the f*** out of Canada,” pagpapatuloy ng laki.

Nagtamo ng pasa at nagdulot ng trauma kay Medrao ang pag-aamok ng lalaki.

Agad naman naaresto ng Edmonton Police si Dodd na kinasuhan ng assault at uttering threats.

Facebook Comments