COVID-19 cases sa bansa, 78,412 na; panibagong 31 na Pinoys sa abroad, nagpositibo sa virus

Kinumpirma ng Department of Health na umaabot na ngayon sa 78,412 ang COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos na madagdagan ng 2,019 confirmed cases mula sa inireport ng 78 out of 90 COVID laboratories sa bansa.

Ang active cases naman ngayon ng COVID-19 sa bansa ay nasa 50,763.


1,278 naman ang recoveries kaya umaabot na ngayon ang total number sa 25,752.

20 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ngayon ang total deaths sa 1,897.

Kabilang sa mga bagong nasawi sa virus ay mula sa Region 7 (10 or 50%), NCR (6 or 30%), Region 4A (2 or 10%), Region 3 (1 or 5%) at Region 9 (1 or 5%).

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang panibagong 31 na mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad, partikular sa America, Asia and the Pacific at Middle East.

Bunga nito, umaabot na sa 9,239 na mga Pinoy sa ibayong dagat ang tinamaan ng COVID mula sa 70 mga bansa.

3,176 naman na Pinoys sa abroad ang patuloy na ginagamot dahil sa nasabing sakit.

23 naman na mga Pinoy ang panibagong naka-recover sa sakit at sila ay mula sa Asia and the Pacific at Middle East.

Bunga nito, umaabot na ngayon ang total recoveries sa 5,410, habang anim naman ang Pinoy na panibagong nadagdag sa mga binawian ng buhay at sila ay mula sa Middle Eastern country.

Sa kabuuan, 653 na ang bilang ng mga Pinoy na namatay sa abroad dahil sa COVID-19.

Facebook Comments