Joanna Jesh Transport, pagpapaliwanagin sa reckless driving ng isang bus driver nito na nagviral sa social media

Courtesy: DOTr

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na magpalabas ng show cause order laban sa operator ng Joanna Jesh Transport.

Layon nito na pagpaliwanagin ang kumpanya sa viral video na nagpapakita na isa sa bus nito na may plakang CAP 5133 ang humaharurot sa Edsa Busway at sinagasaan pa ang mga lane separator barriers.

Ayon sa DOTr, magsilbi itong babala sa iba pang road transport partners na may driver na iresponsable at walang ingat sa pagmamaneho.


Maliban sa banta sa kaligtasan ay nakakapinsala sa propredad ang ganitong pabayang pagmamaneho.

Nangako naman ang dalawang ahensya na nagsasagawa ng imbestigasyon at tiyak na magpapataw ng parusa kung kinakailangan.

Facebook Comments