Pumalo na sa halos 13,000 ang COVID-19 case sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire – nakapagtala sila ng 224 na panibagong kaso na umabot na sa 12, 942.
Nangunguna pa din sa madaming naitatalang kaso ang National Capital Region (NCR) na may 174 o 70 percent.
Mayroon naman ang Region 7 ng 17 o 7 percent na mga kaso habang 33 o 15 percent sa mga ito ay mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Anim naman ang dumagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 837.
Patuloy naman ang pagdami ng mga gumagaling na nadagdagan ng 114 recoveries at ngayon ay nasa 2,843 na.
Facebook Comments