COVID-19 cases sa bansa, halos 330,000 na

28

Umaabot na sa 329,637 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong kaso na 2,825.

Ang active cases naman ngayon ay nasa 49,989.

60 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 5,925.

Habang 437 ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na sa bansa ay 273,723.

Samantala, ang mild cases ay nasa 85.9%, ang asymptomatic ay 9.4%, ang severe ay 1.5% at ang critical ay tumaas sa 3.3%.

Facebook Comments