Nadagdagan nang 294 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 38,805 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa bagong mga kaso, 52 dito ay “fresh cases” habang 242 ay “late cases.”
Apat (4) na pasyente naman ang nasawi na sumampa na sa 1,274.
Umakyat naman sa 10,673 ang mga gumaling sa sakit matapos maitala ang 235 new recoveries.
Samantala, mahigit 100 Pilipino sa abroad ang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, pumalo pa sa 8,614 overseas Filipinos ang tinamaan ng COVID-19.
Nasa 5,148 naman ang mga naka-recover sa nakakahawang sakit habang 561 ang mga pumanaw.
Facebook Comments