COVID-19 cases sa bansa, halos 400,000 na

Umabot na sa 399,749 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 1,347 na kaso ngayong araw.

Pinakamaraming nakapagtala ng bagong kaso ang Cavite, Manila, Quezon City, Baguio City at Laguna.


Ang aktibong kaso naman ngayon ay nasa 30,169 o 7.5%.

187 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 361,919 o 90.5%.

14 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,661 o 1.92%.

Ang mild cases naman ay nasa 83.0%, ang asymptomatic ay 9.4%, habang ang nasa kritikal na kondisyon ay tumaas sa 4.8% at ang severe cases ay 2.7%.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 45 na mga Pinoy sa abroad na bagong gumaling sa virus.

Bunga nito, ang total recoveries na ay 7,456.

27 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 11,501.

Ang active cases naman ay 3,217.

Wala muling Pinoy na panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19 kaya nananatili ang total deaths sa 828.

Facebook Comments