COVID-19 cases sa bansa, mahigit 28,000 na

Nadagdagan pa ang bilang ng Coronavirus Disease o COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sumampa na sa 28,459 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang 661 na panibagong kaso.

460 rito ay mga “fresh cases” habang 201 ang “late cases.”


Labingapat (14) na pasyente naman ang nasawi na mayroon ng kabuuang 1,130.

Mayroon namang naitalang 288 new recoveries na umakyat na sa 7,378.

Samantala, pumalo naman sa 6,128 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19 matapos maitala ang 37 na panibagong kaso.

Nasa 2,796 naman ang mga gumaling na sa sakit habang 483 ang mga nasawi sa virus.

Facebook Comments