Mga frontliners, kinilala ng Palasyo kasabay ng ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal

Kasabay ng ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, itinuturing ngayon ng Palasyo bilang “modern-day heroes” ang mga frontliners na lumalaban sa COVID-19 pandemic.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gaya ng pambansang bayani, binibigyang pugay nila ang mga frontliners sa panahong ito sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Aniya, taglay ng mga frontliners ang katapangan sa pagharap sa hamong dala ng pandemya.


Maliban dito, nagsisilbi rin aniyang ilaw ang mga ito ng pag-asa para sa mga taong takot sa kasalukuyang health crisis.

Kasabay nito, hinimok ni Roque ang mga gawing inspirasyon ang buhay ng ating pambansang bayani para sa mas maayos na Pilipinas.

Facebook Comments