COVID-19 cases sa bansa, mahigit 32,000 na

Sumampa na sa 32,295 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ngayong araw ang 470 na bagong kaso kung saan 357 ay “fresh cases” habang 113 ay “late cases.”

18 pasyente naman ang nasawi na umabot na sa 1,204.


Habang umakyat sa 8,656 gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 214 new recoveires.

Samantala, pumalo pa sa 8,351 ang bilang ng Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 5,072 naman ang mga gumaling sa nakakahawang sakit habang 512 ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments