COVID-19 cases sa bansa, mahigit 38,000 na; Mga pasyenteng nakarekober sa sakit, umabot na sa 10,438

Karagdagang 999 panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, 595 sa mga bagong kaso ay ‘fresh’ habang 404 ang ‘late’ cases.

Dahil dito, umabot na sa 38,511 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nadagdagan naman ng 205 ang bilang ng gumaling na ngayon ay aabot na sa 10,438.

Habang 1,270 na ang nasawi matapos madagdagan ng apat.

Samantala, 32 bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad ang nadagdag ngayong araw.

Sa kabuuan, 8,506 na ang mga pilipinong tinamaan ng virus sa ibang bansa habang 554 ang nasawi.

Nananatili naman sa 5,131 ang nakarekober sa sakit habang 2,821 pa ang nagpapagaling.

Facebook Comments