Pandemic Calamity Loan ng SSS, magtatagal pa hanggang September 14

Magtatagal hanggang September 14, 2020 ang COVID-19 Pandemic Calamity Loan Assistance Program ng Social Security System (SSS) para sa lahat ng miyembro nito.

Ayon kay SSS President Aurora Ignacio, nagsimula ang programa nitong June 15, 2020 kung saan aabot na sa 5.4 milyong piso ang naipautang sa higit 346,000 miyembro nito.

Sa naturang programa, maaaring mag-apply ang lahat ng miyembro ng SSS na nangangailangan ng tulong para sa COVID calamity.


Facebook Comments