Napapansin ng Department of Health (DOH) ang downward trend ng COVID-19 cases sa buong bansa.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa national level.
Sa Luzon, bumababa na ang kaso maliban sa MIMAROPA region.
Maging sa National Capital Region (NCR) ay patuloy na bumababa ang kaso.
Nasa 697 ang average cases per day nitong June 23 hanggang 29, habang nasa 683 cases per day noong June 16 hanggang 22.
Sa Visayas, nagkakaroon ng pagpatag ng mga kaso sa Central Visayas pero nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng Eastern Visayas.
Sa Mindanao, tumaas pa rin ang kaso sa Davao Region habang ang iba pang rehiyon ay nakikitaan na ng pagbaba ng kaso.
Facebook Comments