Galvez, iginiit na ang lahat ng COVID vaccines ay dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto

Tinabla ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang panawagan ng ilang sektor na itigil ng pamahalaan ang pagbili ng Sinovac vaccines at iprayoridad ang pagbili ng Western Brands na mas epektibo laban sa Delta variant.

Giit ni Galvez, ang mga bakunang kasama sa supply portfolio ng bansa ay dumaan sa pagbusisi ng Vaccine Experts Panel.

Aniya, dumaan ito sa matinding review ng ilang magagaling at mahuhusay na doktor at espesyalista sa bakuna.


Pagtitiyak ni Galvez na ang kanilang mga polisiya na ipinapatupad ay science-based at evidence-based.

Pakiusap niya sa publiko na huwag agad husgahan ang bisa ng mga bakuna lalo na at patuloy ang data gathering.

Facebook Comments