Posibleng pumalo sa 230,000 ang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas sa katapusan ng Agosto.
Ayon kay Dr. Guido David, ng University of the Philippines (UP) OCTA Research Team, bagama’t bumaba na ang reproduction number ng virus sa 1.12 mula sa 1.15 noong katapusan ng Hulyo, hindi pa naman na-flatten ang curve ng mga kaso.
Aniya, malaki sana ang maitutulong sakaling ma-extend ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para mabawasan ang kaso ng mga nagpopositibo sa virus.
Gaya aniya ng nangyari sa Cebu City na nag-flatten ang curve dahil sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine measure.
Facebook Comments