COVID-19 cases sa bansa, posibleng pumalo sa 6,500 kada araw sa katapusan ng Marso

Posibleng pumalo sa 6,500 ang maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng katapusan ng Marso.

Ayon sa OCTA, ang Metro Manila ay may record ng hanggang 4,000 COVID-19 infections kada araw na resulta ng reproduction number sa 1.86 o ang bilis ang pagkalat ng virus.

Maliban dito, ang average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region ay 11 sa kada 100,000 populasyon na nagreresulta sa “high risk” ang Metro Manila.


Dahil dito, hinikayat ng grupo ang local governments na magpatupad ng mas istriktong pagtugon sa COvID-19 at maiwasan na mapuno ang mga ospital sa NCR, Cavite, Rizal at Bulacan.

Facebook Comments