Senator Go, umapela sa publiko na pagtiwalaan ang National COVID-19 Vaccine Roadmap

Umaapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na pagtiwalaan ang National COVID-19 Vaccine Roadmap ng pamahalaan.

Tiniyak ni Go na dumaan sa tamang proseso ang pagbibigay ng pamahalaan ng ligtas at epektibong bakuna sa mamamayan bilang proteksyon laban sa COVID 19.

Ayon kay Go, lahat ng pagsusuri sa bakuna ay ginawa ng Food and Drug Administration (FDA), at dumaan din ito sa pagsusuri ng FDA ng ibang bansa.


Sa panayam kay Go habang namamahagi ng tulong sa market vendors, may kapansanan, mangingisda at mga biktima ng sunog sa Dumaguete City ay kanyang binigyang-diin na walang dapat ikatakot sa COVID 19 vaccines.

Giit ni Go, ang dapat katakutan ay ang COVID-19 at hindi ang bakuna na siyang tanging susi natin para unti-unting makabalik sa normal nating pamumuhay.

Facebook Comments