Posibleng pumalo sa 150,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Agosto.
Ayon kay Professor Ranjit Rye ng University of the Philippine (UP) OCTA research team, ibinatay nila ang kanilang pagtaya sa “exponential growth” ng COVID-19 cases sa bansa.
Maliban dito, inaasahan din na aabot sa 3,000 ang maitatalang masasawi sa virus.
Paliwanag ni Rye, malaking ang epekto sa tumataas na kaso sa Metro Manila ang pinaluwag na quarantine protocols.
Muli naman iminungkahi ni Rye sa gobyerno ang pagpapaigting sa mga estratehiya sa paglaban sa COVID-19 gaya ng mas mahigpit na localized lockdown, dagdag na contact tracers, pag-maximize sa malalaking isolation facilities at ang implementasyon ng “testing, tracing, treating” o T3.
Facebook Comments