Financing Arm ng DTI, nakakuha ng dagdag na pondo para sa MSMEs

52

Nakakuha ng dagdag na pondo para sa loan program ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) ang financing arm ng Department of Trade and Industry (DTI).


Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, galing ang 1 bilyong pisong pondo sa Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP) na gagamitin sa Small Business Corporation para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o Cares Program.

Bukod sa Landbank at DBP, naglaan din ang DTI ng pondo para sa programang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3.

Facebook Comments