Lumobo na sa 126,885 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos na madagdagan ng panibagong 4,226 na kaso.
Pinakamarami pa ring bagong COVID cases ay naitala sa National Capital Region (NCR), Regions 4A at 7.
57,559 naman ang active cases at 91.4% dito ay mild cases.
Umaabot naman ang kabuuang recoveries sa 67,117 matapos na 287 pang mga pasyente ang gumaling sa virus.
41 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ngayon ang total deaths sa 2,209.
Samantala, tumataas ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na gumagaling sa COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tumaas sa 59.23% ang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat na nakakarecover sa virus.
Bunga nito, umaabot na ngayon ang recoveries sa 5,760 matapos na madagdagan ng 4.
5 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ngayon ang total deaths sa 708.
Umakyat naman sa 9,725 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy mula sa 72 na mga bansa na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 15.
Sa naturang bilang, 3,257 ang active cases.