Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,099 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa panibagong mga kaso, 1,258 rito ay ‘fresh cases’ at 841 ang ‘late cases.’
Dahil dito, lumobo na sa 46,333 ang naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas.
Nasa 243 na mga pasyente naman ang gumaling sa sakit na may kabuuang 12,185 recoveries.
Anim (6) naman ang nadagdag sa mga nasawi na ngayon ay nasa 1,303 na.
Samantala, nananatili sa 8,679 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 mula sa 62 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,901 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,201 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit habang 577 ang mga pumanaw.
Facebook Comments