Aiko Melendez, ni-lecturan ang isang vlogger kaugnay sa pangmamaliit nito sa mga tricycle drivers

328

Ni-lecturan ng aktres na si Aiko Melendez ang vlogger at influencer na si Buknoy Glamurrr dahil sa pangmamaliit nito sa mga tricycle drivers.

Say ni Aiko, wag itong mangmaliit ng tao at alalahanin kung saan siya nagsimula.


Matatandaang nag-viral ang video na ipinost ni Buknoy kung saan pinaalalahanan nito ang kaniyang fans na magtrabaho nang maigi para maging maganda ang kanilang buhay at hindi matulad sa isang tricycle driver.

Sa ngayon ay bumaba na ang subscribers ni Buknoy sa Youtube mula sa dating 380,000 ay 183,000 na lamang sa kasalukuyan.

Facebook Comments