K Brosas, full support sa kaniyang anak na isang lesbian

51

Full support at buong pusong tinanggap ng singer-comedian na si K Brosas ang kaniyang anak na si Crystal Brosas sa pag-amin nito bilang isang lesbian.

Say ni K, bilang isang ina high school pa lang ay alam niya na ang sexual orientation ng kaniyang anak at wala siyang anumang galit o inis dito.


Dagdag pa ng komedyante, suportado niya ang kaligayahan ni Crystal, gaya ng kung paano niya sinusuportahan ang mga interes nito katulad nalang ng pagko-compose, pag-sayaw at pagtugtog ng gitara.

Samantala, hiling ni K na magsilbi siyang halimbawa sa iba pang mga magulang na may mga anak na LGBTQ na i-respeto at suportahan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments