Tumaas ng 30 porsyento ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga nakalipas na araw kasunod ng dumadaming kaso ng Delta variant.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, umakyat sa 10,459 ang average daily new cases sa bansa mula August 6 hanggang 12 mula sa 7,987 average cases na naitala noong July hanggang August 5.
Mas mataas din ito kumpara sa 5,894 average cases noong July 23 hanggang 29 at 5,657 cases mula July 16 hanggang 22.
Matatandaang nitong Abril 9 hanggang 15, naitala ang 10,845 COVID-19 daily cases.
Sa kabuuan, mahigit 1.7 milyon na ang kaso ng COVID sa bansa kung saan 87,663 ang aktibo.
Facebook Comments