COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa 57,545; karagdagang 634 na kaso, naitala ngayong araw

55

Umabot na sa 57,545 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos maitala ngayong araw ang 634 na bagong mga kaso kung saan 302 dito ang “fresh cases” habang 332 ang “late cases.”


Sa COVID-19 cases sa bansa, 35,483 ang aktibong kaso.

Nasa anim (6) naman ang napaulat na nasawi na umakyat na sa 1,603.

Habang sumampa na sa 20,459 ang mga gumaling matapos madagdagan ng 88 new recoveries.

Samantala, pumalo na sa 8,872 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 5,277 ang mga gumaling sa nakakahawang sakit habang 618 ang mga nasawi.




Facebook Comments