Mga frontliners ng Buldon napagkalooban ng tulong ng mag-asawang Mastura

Nagpapasalamat ang Local Government Unit ng Buldon sa pangunguna ni Mayor Abolais Aratuc Manalao kasama ang mga opisyales ng bayan at mga Frontliners sa tulong na ipinagkaloob sa kanila nina Maguindanao LMP President at Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura at kay BARMM MP Bai Dimple Mastura.

Ang mag-asawang Mastura ay nagkaloob ng Groceries para sa mga Frontliners ng LGU. Kinabibilangan ito ng Bigas at delata.
Present rin sa aktibidad ang mismong Health Officer ng Buldon Dr. Elly Eluna kasama ang mga health workers na bayan na masayang tinanggap ang tulong mula sa mag-asawang officials.
Ang pamamahagi ng tulong mag-asawang Mastura ay bilang pagbibigay pugay na rin sa lahat ng mga frontliners sa buong rehiyon kasabay ng Covid-19 Pandemic.

Matatandaang noong nakaraang session ng mga myebro ng BTA sa BARMM naghain ng kanyang resolution na nagbibigay ng pagkilala sa lahat ng mga Frontliners sa BARMM


Facebook Comments