COVID-19 cases sa buong mundo, pumalo na sa 6.7 million; Amerika, nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na kaso ng virus

Umabot na sa kabuuang 6,731,824 million ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Ayon sa John Hopkins University, mula sa nasabing bilang ay nangunguna pa rin ang Amerika na may mahigit 1.8 million na sinundan naman ng Brazil na may mahigit 600,000 na kaso.

Maliban dito, umabot naman sa kabuuang 394,787 ang mga namatay sa nasabing sakit kung saan patuloy na nangunguna ang Estados Unidos habang pumapangalawa naman ang United Kingdom.


Sa kabilang banda, patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng nakaka-rekober na nasa kabuuang 2,745,258 million na sa kasalukuyan.

Facebook Comments