COVID-19 CASES SA ISABELA, BUMABA

Cauayan City, Isabela- Bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, July 2, 2021, limampu’t isang (51) katao ang naitalang bagong nagpositibo; 87 ang bagong gumaling at tatlo (3) ang binawian ng buhay.

Kaugnay nito, bumaba na sa 695 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.


Umaabot naman sa 27,170 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Isabela kung saan 25,638 rito ang nakarekober samantalang nasa 837 ang naiulat na COVID-19 related deaths.

Facebook Comments