Senator Pacquiao, pinayuhan ng mga kasamahan na tiyaking may laman ang ‘anti-corruption expose’ nito

Para humandusay ang korapsyon ay dapat na tiyakin ni Senator Manny Pacquiao na kongkreto ang mga ebidensiyang laman ng mga katiwaliang isisiwalat nito.

Payo ito nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson kay Senator Manny Pacquiao na planong magsiwalat ng mga katiwalian sa loob ng sangay ng Ehekutibo.

Layunin ng payo nina SP Sotto at Lacson na hindi na humantong sa personalan ang away ng Pangulo at ni Pacquiao.


Paliwanag ni Lacson, tatatak din sa isipan ng publiko kapag mayroong kahit isang i-expose si Pacquiao na lalabas na walang basehan at hindi suportado ng ebidensya.

Gayunman, sinabi ni Lacson na hindi rin dapat maliitin ang kakayahan ng Pambansang Kamao bilang mambabatas dahil kinakikitaan nito ng mga indikasyon na nagsasagawa rin siya ng malalimang pagsasaliksik.

Facebook Comments